Saturday , November 16 2024

1 patay, 23 arestado 28 sumuko sa OTBT ops

PATAY ang isa katao habang 23 sinasabing sangkot sa droga ang hinuli at 28 ang sumuko sa “One Time, Big Time” operation na isinagawa ng mga operatib ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City kahapon.

Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., simulan nila ang operasyon dakong 5:00 am hanggang sa umabot ito ng tatlong oras sa PNR Site, Brgy. Lower Bicutan ng naturang lungsod.

Nakuha mula sa nahuling mga suspek ang dalawang baril, 22 plastic sachet ng shabu, walong  motorsiklo, digital weighing scale at mga drug paraphernalia.

Nakapiit sa Taguig City Jail  at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong mga suspek. ( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *