Tuesday , May 6 2025

Abusadong pulis walang puwang kay Gen. Sapitula

HINDI nagdalawang isip si Eastern Police District Director PCS Romulo Sapitula sa pagsasabing “Pagdusahan niya ang ginawa niya” (sa Pasig police na si PO1 Jervy Fisulero), nitong nakaraang Miyerkoles nang siya ay aking makapanayam.

Si PO1 Fisulero, ang Pasig police na nasasangkot ngayon sa sapin-saping reklamo at kaso.

Ayon kay Heneral Romulo Sapitula, iniimbestigahan na ng opisina ni PCInsp Arsenio Riparip ng Manila Police Department–GAIS matapos atasan orderan si PSSupt Orlando Yebra na “throw the book on him!”

Si Fisulero, kasama ang isang pulis-Maynila na si PO1 Michael Galut ay kapwa inaresto ng MPD ilang oras matapos magreklamo sina Raymond Mendoza, Reynaldo Santos, Christopher Dinglasan, Henson Resma at Ronald Buela na sila umano ay pinaghahampas at tinutukan ng baril ng dalawang pulis sa Quiapo, Maynila noong Martes ng hatinggabi.

Sinabi ni Heneral Sapitula, “Alam mo naman Koyang, sa simula pa lang ng WPD days natin noon, hindi ako marunong mangunsintii ng aking mga tauhan e… ito pang ganitong klaseng pang-aabuso ng pribilehiyo na maging pulis? Pagdusahan niya (Fisulero) ang kanyang ginawa.  Walang puwang sa organisasyon ang ganyang klaseng pulis — na imbes tumulong e, siya pa ang nang-aabuso ng karapatan ng mamamayan?”

Sa ganang akin naman, ito kasing si Heneral Sapitula na produktong Philippine National Police Academy, ay taga sa panahon sa dahilang ang mga mentor niya ay sina dating CPNP Sonny Razon at dating WPD  District Director Efren “EQ” Fernandez, to name a few.

Magaling na hepe si Koyang Romy at sa pinagsamahan namin noon sa WPD, nakitaan ko siya ng masisteng pamamalakad ng kanyang unit. Heto at Heneral na siya, walang dudang ang pagiging administrador niya na halaw sa karanasan sa PNP PRO4 nitong huli, ay magiging daan sa lalong ikahuhusay ng Eastern Police District, na isang business center o hub ng probresibong kalakalan o negosyo sa Metro Manila.

Kasabihan nga, ang progreso ng isang pamayanan ay base sa ganap na katiwasayan, kaligtasan at kaayusan ng mamamayan.

SOUNDING BOARD NI KOYANG
ni Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Fake news requirement na National ID para sa pagboto, ayon sa Comelec

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ng Commission on Elections (COMELEC), ‘wag maniniwala sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit pipi ang PDP sa isyu ng West Philippine Sea?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BUKOD sa trabaho, food security, at kalusugan, isang pangunahing election issue …

Sipat Mat Vicencio

Nelson Ty kay Isko: Yes, let’s make Manila great again!
“TAGUMPAY NI ISKO, PANALO NG MAYNILA!”

SIPATni Mat Vicencio ITO ang pahayag ni dating Barangay Chairman Nelson Ty, tumatakbong konsehal ng …

Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Imee, Camille, laglag sa endorsement ni Digong

AKSYON AGADni Almar Danguilan TABLADO kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sina senatorial candidates Senator Imee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *