LIMANG drug pusher/user ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagsalakay sa inuupahang dalawang kuwarto sa isang apartelle na ginawang drug den sa Brgy. Bahay Toro, Project 8, Quezon City.
Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga nadakip na sina Rolando Lampao, 42; Nenalyn Diono, 49; Maria Luisa San Martin, 41; Jonathan Regala, 32, at Emie Rose Teves, 31-anyos.
Ayon kay Eleazar, si Lampao ay maituturing na high value target dahil sa nakapagbebenta ng dalawang kilo ng shabu sa loob ng isang araw sa Quezon City, Manila at Paranaque.
Ang mga suspek ay naaresto sa buy-bust operation sa Room 2014 sa isang apartelle sa Congressional Avenue, Brgy. Bahay Toro dakong 6:00 pm kamakalawa.
Nakuha sa mga suspek ang 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, drug paraphernalia at marked money.
( ALMAR DANGUILAN )