PATAY ang isang sampaguita vendor at kanyang live-in partner na hinihinalang tulak ng shabu, makaraan lumaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga biktimang sina Zaldy Alvarez, 50, at Gloria de Guia, 40, kapwa residente ng Aleda Street, Brgy. 226, Zone 21, Tondo, Maynila.
Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay kasama sa barangay drug watchlist na sumuko sa Oplang Tukhang ngunit bumalik sa kanilang ilegal na aktibidad.
( LEONARD BASILIO )