PATAY ang isang 23-anyos Psychology student makaraan tumalon mula sa ikaapat palapag ng hotel na pinaglilingkuran ng kanyang ina kamakalawa ng hapon sa Ermita, Maynila.
Ayon sa ulat, nangyari ang insidente makaraan bumagsak ang biktimang si Joanna Gaytona, ng 160 Guzman St., Quiapo, Maynila, sa licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC).
Nabatid mula kay Supt. Albert Barot, station commander ng Manila Police District-Police Station 5, naganap ang insidente dakong 1:40 pm sa Tropical Mansion Hotel.
( LEONARD BASILIO )