PATAY ang isang security guard makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki habang naglalakad kasama ng asawa’t anak sa Tondo, Maynila kamakalawa.
Binawian ng buhay habang dinadala sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Ariel Rosales, 22, residente ng 39 Gate 12, Parola Compound, Tondo.
Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 7:15 pm, kasama ng biktima habang naglalakad ang kanyang asawang si Frangeline at panganay nilang anak, sa MICT Road malapit sa Area B, Gate 14 ng Parola Compound, nang bigla siyang barilin ng hindi nakilalang suspek.
( LEONARD BASILIO )