Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Helper patay sa saksak ng tomboy

PATAY ang isang 21-anyos helper nang saksakin ng isang tomboy makaraan umawat sa away sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Jhaymar Diaz, 21, residente sa Gate 16, Area D, Parola Compound, Tondo, Maynila

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Tosong, isang tomboy, residente ng Gate 14, Parola Compound, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, imbestigador ng Manila Police District (MPD), nakikipag-inoman ang biktima sa mga kaibigan dakong 10:15 pm sa Gate 15 ng nasabing lugar nang mag-away ang dalawa sa mga nag-iinoman kaya inawat ni Diaz.

Ngunit habang pauwi na ang biktima sinundan siya ng suspek at nang abutan sa Gate 54, Area C, Parola Compound ay tinarakan sa likod at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …