PATAY ang isang babaeng caregiver makaraan tadtarin ng saksak ng itak ng live-in partner niyang tomboy nang tangkaing makipagkalas sa Parañaque City nitong Martes ng hapon.
Namatay noon din ang biktimang si Beberly Marcos, 46, ng 16 Ireland St., Better Living Subd., Brgy. Don Bosco ng lungsod.
Habang nakapiit sa detention cell ng Parañaque City Police ang suspek na si Nora Dulay, 45, ng 303 Block 4, Purok Riverside, Brgy. Sun Valley ng lungsod.
Napag-alaman, masinsinang kinausap ng biktima ang suspek kaugnay sa kanyang pakikipagkalas ngunit humantong sa mainitang pagtatalo.
Hanggang kumuha ng itak ang suspek at pinagsasaksak ang biktima. Agad naaresto ang suspek makaraan ang insidente.
( JAJA GARCIA )