Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-BF killer ng utol ni Maritoni Fernandez

MAITUTURING na may kinalaman sa pagpaslang kay Aurora Maria Moynihan, kapatid ng artistang si Maritoni Fernandez nitong nakaraang buwan, ang kanyang dating boyfriend na napatay sa drug operation nitong nakaraang linggo ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Ito ang pahayag ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar makaraang lumabas sa ballistic test na ang .40 caliber na narekober kay Leandro Antonio Kanahashi, ex-boyfriend ni Moynihan, ay nagtugma sa mga basyo ng bala na narekober sa tabi ng bangkay ni Moynihan sa Temple Drive, Brgy. Ugong Norte, Quezon City.

Si Kanahashi, 31, residente sa 11th Jamboree St., Brgy. Kamuning, Quezon City at isang hindi pa nakikilalang kasama ay napatay nitong Linggo, Oktubre 9, 2016, makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng QCPD sa buy bust operation sa Mapagkumbaba St., Area 7, Brgy. Botocan, Quezon City.

Gayonman, nilinaw ni Eleazar, hindi pa masasabing si Kanahashi ang bumaril kay Moynihan kahit na nagtugma sa ballistic test ang baril na nakuha kay Kanahashi sa mga basyong narekober sa tabi ng bangkay ni Moynihan.

Ngunit ayon kay Eleazar, si Kanahashi ay maituturing na isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Moynihan batay pa rin sa resulta ng ballistic comparative examination.

Dagdag ni Eleazar, si Kanahashi ay isa sa maituturing na “higher than street-level” drug dealer na nagbebenta ng shabu at party drugs.

Si Kanahashi ang isa huling ka-text ni Moynihan bago siya napatay.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …