Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 Taiwanese, Chinese patay sa Pampanga

101216_front

NATAGPUANG patay ang isang Chinese national at tatlong hinihinalang Taiwanese nationals sa dalawang bayan ng Pampanga nitong Martes ng umaga.

Bandang 6:30 a.m. nang makita ng isang magsasaka ang bangkay ng isang babae at dalawang lalaki sa madamong bahagi ng megadike sa Brgy. Dolores, Bacolor, Pampanga.

Nakabaon ang kalahati ng katawan ng isang bangkay, naka-packaging tape ang mga paa at hinihinalang may mga tama ng bala sa ulo. May tama rin ng bala sa ulo ang kanyang mga kasama.

Habang bandang 9:00 am nang matagpuan ang bangkay ng Chinese national na kinilalang si Michael Chen, 40, sa loob ng kanyang SUV na nakaparada sa MacArthur Highway sa bahagi ng bayan ng San Fernando, Pampanga.

Patuloy ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at pulisya ng San Fernando.

ni RAUL SUSCANO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …