Wednesday , December 25 2024

Money down before panty down sa Avenida

ITO ang kasabihan ng pick-up girls sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila na lubhang nakaaalarma dahil sa biglang paglobo ng kanilang bilang.

Ang prosti-girls ay matatagpuan sa gilid-gilid ng bangketa mula sa Plaza Goiti hanggang sa Lope De Vega sa Rizal Avenue na mas kilalang Avenida Rizal.

From morning till dawn o halos 24 oras silang makikita sa nasabing mga lugar. Ang kanilang mga edad ay naglalaro mula 15 hanggang 45 anyos.

Dito nagkakatalo sa bayaran sa kanilang mga parokyano. Siyempre mas mataas ang presyo ng mga bata kaysa mga gurang.

Kung ikokompara sila sa hanay ng Quezon Ave QC pick-up girls ay malayong-malayo, dahil sa Kyusi ay sa gabi lamang makikita. Hindi tulad sa Maynila na 24/7 rain or shine na nakatambay sa area.

Isang matinding katangian ng mga bebot dito sa Avenida ay pagiging prangka nila.

Mabilis ang usapan, walang paligoy-ligoy deretsahan agad at pilit pang hahatakin ang parokyano na magtalik agad nang short time.

Kung estranghero sa lugar at naglalakad sa nabanggit na mga kalye tiyak na magugulat at may posibilidad na atakehin sa puso.

Napag-alaman rin na ang kanilang presyo ay mula P500 hanggang P1,000 depende sa kasunduan.

Meron na rin silang regular at suking hotel sa kalye ng Soler at Ronquillo sa Quiapo. Exclusive daw para lang sa kanila.

Sinabi ni Lisa (hindi tunay na pangalan) kadalasa’y nakatatatlong rampa sila sa isang araw sa sandaling oras lang at may tiyak ng kitang isang libo hanggang 1,200. Boundary na umano sila sa ganitong kalakaran at masaya nang uuwi sa kanilang pamilya.

Parang basketball game lang daw. Fastbreak, konting dribble at isang tirang quick-release. Tapos na ang ballgame sa loob lang anila nang wala pang 30 minutes. Kung gusto pa raw ng player ng extension o rumebanse ay puwede naman kaya lang, may additional pay.

Sa karkulasyon ni Lisa, higit-kumulang na 200 babae silang Magdalena na nahahati sa dalawang grupo.

Ang unang grupo ay naka-area mula Plaza Goiti hanggang sa kanto ng Recto at Rizal Avenue, samantala ang isang grupo naman ay mula sa Odeon theatre hanggang Lope De vega.

Para makasigurado raw sila na hindi sila madedehado, ipinaiiwan nila ang bayad ng kanilang kliyente sa kanilang bugaw na madalas na cigarette vendor at street manicurists na makikitang nakaupo at tambay rin sa bangketa hanggang makarami ang kanilang mga alaga.

Hindi rin sila masisisi sa kanilang diskarte dahil isa rin nga naman itong uri ng hanapbuhay. Ang mahalaga nga naman ay maitawid at maisalba nila ang kanilang pamilya.

Wala silang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa kanila.

Sa totoo lang daw ay nakapagbibigay pa sila ng ligaya sa mga nalulumbay at ni minsan daw ay wala silang niloko, nasaktan o nasaling man lang.

Mortal sin sa kanila ang pananakit sa kapwa at tanging dalangin ay huwag silang magkakasakit dahil may kamahalan raw ang anti-biotic.

Minsan daw ay nagpaplano silang bumuo ng kanilang grupo o assosasyon tulad rin daw ng TODA o ano pa man grupo na sumisimbolo ng kanilang hanap-buhay o trabaho.

Iparerehistro rin daw nila ang kanilang samahan sa SEC para maging legal.

Meron rin daw silang naumpisahan nang tuntunin ng kanilang by-laws at konstitusyon.

Sa ganitong paraan nga naman ay mayroon silang dudulugang liderato na tulad rin ng uri nila na puwedeng hingian o paghugutan ng kung ano mang problema.

Tinanong ko si Lisa kung ano naman ang naisip nilang itatawag sa kanilang grupo, simple lang naman ang kanyang itinugon: PIMPS AND PICK-UPS ASSOCIATION (PIPA).

Mga suki, suportahan natin ang PIPA!

Hehehe…

YANIG – Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *