DAHIL sa intimate scenes nina Lovi Poe at Tom Rodriguez sa isang serye sa GMA bina-bash ang dalaga ng ilang mga tagahanga ng actor at ni Carla Abelllana.
Pero hindi apektado ang ex-girlfriend ni Rocco Nacino. Tinatawanan lang nito ang pamba-bash sa kanya.
“Hindi ko naman sila masisisi, pero it’s work talaga,” sabi ni Lovi.
Natutuwa naman si Lovi dahil ‘yung fans lang ang nagseselos at hindi si Carla. Wala naman daw ‘yun kay Carla. Naiintindihan daw nito bilang isang artista rin, na trabaho lang ang ginagawa nila ni Tom.
“Nakausap ko pa si Carla noong nagte-taping kami, she’s like, ‘O, good luck ha,” pa ni Lovi.
MA at PA – Rommel Placente