SOBRANG happy si Coco Martin na umabot na sa isang taon sa ere ang seryeng pinagbibidahan niya, ang FPJ’s Ang Probinsiyano. At consistent na mataas ang nakukuha nitong rating, hindi bumibitiw ang televiewers sa panonood nito.
Sa tanong kay Coco kung ano ang pinakapaborito niyang eksena sa Ang Probinsiyano, ang sagot niya, lahat ng eksena ay paborito niya. Pero ang talaga raw tumatak sa kanya ay ‘yung guesting ni Cesar Montano.
Paborito niya kasing aktor ang ex-husband ni Sunshine Cruz. Sobra raw talaga siyang natuwa noon nang pagbigyan siya nito na mag-guest sa kanyang serye.
MA at PA – Rommle Placente