KUNG tutuusin, tunay na tagumpay ang kam-panya ng Philippine National Police laban sa ilegal na droga!
Saang lugar ba sa mundo makakikita ng mahina sa tatlong pinaghihinalaang drug user o pusher ang tumumtumba dahil nanlaban sa puwersa ng pulisya?
Ito ang isa sa mga basehan ng PNP hie-rarchy patungkol sa kanilang kampanyang inumpisahan noong maluklok si President Rodrigo Duterte.
Bagamat ang ilang politikong nasa kabilang bakod ay sorang-sora sa mga nakakikilabot na patayan kabi-kabila at umaalma na raw sa EJK — hindi nagpapatinag ang pamahalaan ni DU30 at ang PNP sa ilalim ni Bato dela Rosa.
Maaaring ang nakararaming Filipino, bumoto at hindi kay DU30, ay sang-ayon sa mga kaganapan na araw-araw ay may tumutumbang adik o pusher, ito pa rin ay nakaaangat sa tiwala ng mamamayan sa kampanya laban sa droga.
Sa karamihan ang lunas sa mga naging abala, aberya at pagkakalagas ng kanilang mga kaanak na biniktima ng mga lulong sa droga ay ito na siguro ang pinakahiganti nila.
Marami pang dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan liban sa talamak na droga… ang mga ilegal na sugal at mga larong-kalye na pinagkaaabalahan ng ilang ayaw-magtinong pulis.
Kung ang paglaganap ng mga makina at mga animo’y perya sa mga sulok-sulok ng Maynila ay ‘di masawata, iisa ang dahilan: pinapayagan ng mayor, konsehal, barangay chairman at mga precinct commander ang paghayo nito.
Ang mga pulis na nababalitang sila mismo ang kumukolekta ng tara mula sa mga ope-rator… ‘di rin natitinag!!! Ang kakapal ng mukha —pasuweldo sila ng tao at eto namumunini sa lingguhang ikot sa mga peryahan at bantad na su-galan.
Sa Calabarzon, talagang hindi mahihinto ang iregularidad ng mga pulis dahil nasa roster ang pangalan nila ngunit hanapin mo sa lugar ng assignment — WALA!
E, di lalo na sa Metro Manila!!!
Problema sa ilegal na droga, problema pa sa pulis! Ang kasabihan noong araw sa PC e, kung hindi ka rin lang makatutulong… huwag ka namang dumagdag sa problema. Iyan ang malimit kong naririnig noon sa nasirang P/Brig Gen Adam Jimenez Jr.
Sa kabilang banda, sang-ayon ako na ituloy ni DU30 ang nabanggit na ibalik na muli ang Philippine Constabulary na magiging umbrella organization ng pulisya sa bansa.
Ang disiplinang hinahanap sa pulisya ay hindi matutupad dahil ang mga PO1 sa NGA-YON ay puro COLLEGE GRADUATE na mahirap pasunurin, kompara sa mga sundalong PC noon na high school graduate o college undergraduate na kahit napapagod na, umaarya pa rin sa ilalim ng matinding init ng araw!
SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas