Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Celebrities na adik at pushers

Dragon LadyILANG  tulog na lang mabubulgar na ang mga artistang hook sa ilegal na droga. Magugulat ang lahat, dahil di natin akalain na ang ating mga idolo o hinahangaan na artista ay kasama pala. May bilang umano itong 50. Nahuli na ang isang dating aktres na si Sabrina M. Marami pang susunod, dahil ang iba ay may kasalukuyang kontrata sa TV networks.

***

Sakaling ipatupad na ang Oplan Tokhang sa TV networks at mga bahay ng celebrities na sangkot sa ieigal na droga, sabi ni PNP Chief Director Bato de la Rosa, isasama raw ang mga taga-media para sa gayon ay lalong sumikat ang mga artista!

DRUG TESTS
SA NIGHTCLUBS
AT KTV BAR

BIGLAAN ang dapat na isagawang drugs tests sa mga nagtatrabaho sa mga club at resto bar, partikular ang mga babaeng nagsasayaw, at nagbibigay ng mga panandaliang aliw. Ganoon din sa gay bars, dahil maraming adik na call boys. Sa mga kababaihan naman, kaya umano sila nagdodroga ay upang makapal ang kanilang mga mukha habang nagsasayaw nang hubo’t hubad sa entablado. Ganoon din ang macho dancers. Sila ang mga tipong gusto na takasan pansamantala ang kanilang dinaranas na miserableng buhay. Lalo iyong maraming reponsibilidad sa kanilang bahay na gustong takasan sandali kaya nalululong sa mga bawal na gamot.

***

Sa tingin nila, hindi alak kundi bawal na gamot ang solusyon upang sandaling makalimot, lalo na kapag ‘high’ na sa ipinagbabawal na gamot. Sabi ng isang kausap ko, ang alak masakit sa ulo paggising mo, pero ang shabu speed ang tama, masarap magsayaw sa entablado.

Barangay chairpersons
at kagawads kailan
naman kaya ang drug test

Para sa mga kapitan ng barangay at mga kagawad, isama na ang mga barangay tanod, Dapat gastusan ito ng Department of Interior and Local Government(DOLG) para makatiyak na ligtas ang kani-kanilang komunidad laban sa ilegal na droga.

***

Ang mga kapitan ng barangay ang unang nakaaamoy kung sa sakop na lugar ay may mga adik at drug pushers. Sila rin ang no. 1 na tumatanggap ng salapi mula sa mga drug Lord, bukod pa sa gambling. Sila dapat ang unang nakakaalam kung may salot sa kanilang lugar. Ang sistema, mas una silang kumikita!

***

Kadalasan, kaya gustong maupong kapitan ng barangay, hindi para magserbisyo sa kanilang constituents, kundi upang manipulahin ang ilegal na aktibidad sa kani-kanilang lugar!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …