Monday , December 23 2024

Jaybee ‘sexual asset’ ni Leila — Digong

092716_front

IBINUNYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakipag- “quickie” si Sen. Leila de Lima kay convicted kidnapper Jaybee Sebastian sa kubol ng preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC), Malacañang Cameramen Association (MCA) at Presidential Photojournalists Association (PPA) kahapon sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, hindi normal na gawain ng isang justice secretary na gaya ni De Lima na dumayo sa kubol ni Sebastian sa NBP at magkulong silang dalawa roon ng apat na oras.

Giit ni Duterte, imposibleng duda si De Lima sa kakayahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at militar na mag-alaga ng “asset’ na bilanggo sa NBP para mismong ang noo’y justice secretary pa ang mag-recruit kay Sebastian upang maging impormante.

Ayon sa Pangulo, sakaling mabigyan siya ng tsansa na usisain si De Lima, ang tatanungin niya sa senadora ay kung sexual asset niya si Sebastian o impormante.

“Maski si De Lima, I’ll place her under… madali lang naman iyan. You are a Senator. Yes. When you were the Secretary of Justice, you admit that you went to the kubol, you admit that? Yes. Is that the normal work of a Secretary of Justice? Why would you have an asset such as Jaybee Sebastian? Do you not trust the NBI, the military men to have your own asset? What was that asset? Was it a sexual asset or a source of information? And why you have to do it after hours? In the meeting after — ganyan ang tanong ko. You stayed there for four hours, what did you do? Discuss that situation and … and after discussing the whole of four hours? Totoo iyon. The whole four hours you were discussing only the drug situation inside the penitentiary? Sabihin ko talaga. Iyan ang gusto kong mangyari,” ayon sa Pangulo.

Malaking pagkakamali aniya ng international human rights groups ay patulan ang basurang mga impormasyon na isinusubo sa kanila ni De Lima na ang totoo’y maraming kalokohang ikinukubli at ginagamit ang isyu ng extrajudicial killings laban sa kanya para pagtakpan ito.

Si De Lima aniya ang nagbukas ng daan sa narco-politics sa bansa at ang kalakalan ng illegal drugs sa NBP ang pinagmulan ng campaign money ng senadora.

Kaya kapag nakaharap ng Pangulo si De Lima ay balak niyang ipakita ang sex video at uuriratin niya kung ang senadora ba ang babaeng nakikipagtalik at nakakubabaw sa isang lalaki.

“Simple lang iyan, sabihin ko lang sa kanya: Miss De Lima, I am a kind of blurred, a vague memory of your persona. I’d like to — no holds barred ‘yan — kung sabihin, objection, o you said you have objection, I am establishing the character of you: is this you, pumping?” pahayag ng Pangulo.

Nang mapanood ng Pangulo ang sex video ay nawalan siya ng gana.

Payo ng Punong Ehekutibo sa senadora ay paghandaan ang tiyak na pagkabulok sa bilangguan dahil matitibay at santambak ang ebidensiya na nag-uugnay sa kanya sa operasyon ng illegal drugs.

Sinasadya aniya ng senadora na mailihis ang isyu nang partisipasyon sa illegal drugs operations sa pagdidiin sa kanya sa usapin ng extrajudicial killings sa tulong ng mga bayarang media.

“Then, it is deliberated. Ano ang participation ko? Ang kukunin niya na report would be all garbage coming from De Lima. Que kung may kaso pa talaga, si De Lima na mismo ang gumanun sa akin. Now, she is passing that responsibility to another forum. And because of the generated… alam mo na. The prostitution of journalism,” dagdag ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

MORALITY BLACKMAIL
ARMAS NG SIMBAHAN
VS DEATH PENALTY
— DUTERTE

BINATIKOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng Simbahang Katolika sa moralidad para hindi na maibalik ang death penalty sa bansa.

Aniya, kaya gusto niyang ibalik ang parusang bitay dahil ang mga Filipino ay hindi na naniniwala sa batas at wala nang kinatatakutan.

Sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng Malacañang Press Corps (MPC), Malacañang Cameramen Association (MCA) at Presidential Photojournalists Association (PPA) kahapon sa Palasyo, kinuwestiyon ng Pangulo ang ipinangalandakan ng Simbahan na tanging ang Diyos lang ang may karapatan na tapusin ang buhay ng isang nilalang.

Giit niya, bagama’t naniniwala siya sa Diyos, ang malaking katanungan lang sa kanya ay bakit pinayagan na maganap ang mga karumal-dumal na krimen sa mundo.

“We’re always taught na ganoon ang buhay, that everything begins and ends with God. So therefore God, he knew at that time when he created this planet that these things will happen. So my God, why did you do it?” aniya.

Aniya, nasaan ang Diyos nang gahasain at patayin ang isang 18-buwan gulang sanggol at nang pinagpapatay ng mga teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang mga bata at kababaihan nang tumangging makipagtalik sa kanila?

“When a one-year old, 18-months year old baby taken from the mother’s arms brought under a jeep and raped and killed, so where is God? And in Syria, women, women, and children and women who do not want to have sex, sex with the ISIS, they’re murdered. So where is God? My God, where are you?” dagdag niya.

Ayon sa Pangulo, balewala ang paniniwala na ang Diyos ay bababa sa lupa sa araw nang paghuhukom, wala na itong saysay sa labis na pighati, sakit ng loob at paghihirap na dinanas ng Kanyang mga nilalang.

“I believe in God but that is my perpetual question to him. Where were you when we needed you? Is not enough to say at the end of the day, at the end of the world, he shall come to judge the living and the dead? What would be the purpose of all of that if the heartaches, sorrows, and agony have already been inflicted upon the human beings in this world? Iyan ang mahirap e,” dagdag niya.

Matatandaan, paulit-ulit na sinasabi ng Pangulo na siya’y naniniwala na ang lahat ng kasalanan ay dapat pagbayaran, kung buhay ang inutang, buhay rin ang kabayaran.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *