Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

1 patay, 1 sugatan sa ratrat

PATAY ang isang lalaki habang tinamaan ng ligaw na bala ang isang babae habang natutulog makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktimang namatay na si Nestor Mariano, 37, residente ng 126 Laurel Street, Don Bosco, Tondo, Maynila, habang tinamaan ng ligaw na bala sa hita si Teresita Brillantes, 51, residente ng 300 Coral St.,Tondo, Maynila, natutulog sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 12:10 am nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Sinasabing naglalakad sa lugar ang biktima nang sundan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo at siya ay pinagbabaril. Minalas na tinamaan din ng bala si Brillanes na natutulog sa kanyang bahay.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …