NAARESTO ng pulisya ang dalawang hinihinalang karnaper kamakalawa sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.
Sa ulat mula kay Supt. Reniel Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Jay-R Salvador, 33, at Joel Hernandez, 42, kapwa residente sa naturang barangay.
Unang sinalakay ng pulisya ang bahay ni Salvador sa Garden Village Subdivision at natagpuan ang kinarnap na motorsiklo na pag-aari ng isang Rowena Reyes, 27, ng Brgy. Santa Clara.
Pagkaraan ay naaresto ng mga awtoridad si Hernandez sa follow-up operation sa kanyang bahay sa Tierra Subdivision sa nabanggit na barangay.
( MICKA BAUTISTA )