SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan ireklamo ng panghahalay sa isang Grade I pupil kapalit ng candy sa Malabon city kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) Senior Insp. Rosilitt Avila ang suspek na si Roger Marabiran, 40, ng Brgy. Concepcion sa nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) sa piskalya Malabon City.
Batay sa salaysay ng biktimang si Janice, 8, dakong 7:00 pm kamakalawa, naglalaro siya sa labas nang tawagin siya ng suspek at sinabing bibigyan ng candy.
Nang makapasok ang biktima sa bahay ng suspek, agad siyang hinubaran at ikiniskis ng lalaki ang kanyang ari sa kaselanan ng bata.
Pag-uwi ng biktima, agad niyang ipinagtapat sa ina ang ginawa ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa lalaki.
( ROMMEL SALES )