Friday , December 27 2024

Hinay-hinay po ginoong pangulo

NAKARATING na po Ginoong Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga kinaukulan sa buong mundo ang inyong mensahe!

Siguro naman po, bilang isa sa milyon-milyong Filipino na tagasunod ninyo at walang alinlangang nagsusulong ng inyong  plataforma de govierno, e tuunang pansin naman ninyo ang hiling ng nakararami na maghinay-hinay na po kayo sa inyong  bigla-biglang silakbo ng isip at damdamin.

Sa aking desisyong lumahok na muli sa botohan ng ating mga napupusuang kandidato noong nakaraang presidential election, matapos ang ilang eleksiyong aking ipinagpaliban ay kayo ang napusuan kong iboto at hindi ako nagkamali.  Sa inyo ko nakita ang larawan ng isang lider na siyang mag-aangat ng antas ng pagkakilala sa lahing Filipino. Sa inyo ko nababanaag ang magandang simulaing magbabalik ng disiplina at pagsunod sa batas ng ating mga kapwa Filipino.

Mula sa pagiging produkto ng isang panahong aktibismo ang namulatan sa mataas na paaralan, taos ko ang inyong ibig mangyari sa ating bansa sapagkat iyon din ang aming adhika na sana ay matupad ang pantay-pantay na pagtingin ng pamahalaan sa bawat mamamayang Filipino. Hindi po nalalayo ang ating mga edad bagamat noong kami ay nasa isang maliit na state college sa kalye Lepanto lang at nag-aaral noon sa high school, saka naman po siguro kayo nasa Mendiola tungo sa pag-aaral ng abogasya.

Maligaya kaming nakikita kayong nakikipagtalas-tasan sa mga lider ng iba’t ibang bansa sa Asya at America at tahasan ninyong iniaangat ang lahing Filipino — walang katapat ang inyong pagtatanggol sa ating Inang  Bansa!

Nabuhay po ang aking aandap-andap na pag-asa na sa pakiwari ko ay kayo na nga ang pinakahihintay ng bawat Filipino na kakatawan at maninindigan tungo sa napapanahong pagbabago mula sa masalimuot na lipunan at kultura.

Ang mga nagdaraang karanasan mula noong kayo ay umupo sa poder ng kapangyarihan  ay laman ng mainstream at social media…malupit at mapaghamong mga salita at karaniwan na sa inyo ang pagiging palamura, ganoon din po ako.

Lahat ng kakilala kong nasa llevo seisenta ay nagsasabing tao akong palaging may pagmumura ang kada salitang lumalabas sa aking bibig.  Pero hindi ko po ito ikinakaila o itinatago dahil, tulad ninyo para sa akin ang pagmumura ay “bulaklak ng salita” lang ito—-no big deal for me!

Lahat po kaming bumoto sa inyo ay sang-ayon sa inyong kagustuhang tunay na ituwid ang binaluktot ng nakaraang dispensasyon. Wala pong kumokontra sa inyong palakad at halos lahat na mga komento na lumalawit sa social media ay iisa ang bukambibig:  ISULONG ANG PAGBABAGO, ang battlecry ng inyong administrasyon, kaya naman po hanggang ngayon nandito po kami sa inyong likuran … handang makiisa sa inyong pangarap para sa ikauunlad at ikabubunyi ng lahing Filipino!

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *