Monday , December 23 2024

1 patay, 1 nakatakas sa drug ops

PATAY ang isang lalaki habang nakatakas ang kanyang kasama makaraan lumaban sa mga pulis sa pagsalakay sa hinihinalang drug den sa Binondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang napatay na si Ronnie Bucao, 50, tubong Sta. Maria, Isabela at naninirahan sa San Roque, Tarlac.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang hinihinalang tulak na si Esmundo Ariola, alyas Dudoy, residente ng 316 Anggalo Street, Binondo, Maynila.

Batay sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting, ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:30 pm sinalakay ng mga awtoridad ang sinasabing drug den sa lugar.

Ngunit nagtangkang lumaban si Bucao kaya napilitan ang mga pulis na siya ay barilin, habang nakatakas si Ariola.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *