SWAK sa kulungan ang isang mag-asawang sangkot sa pagmamantina ng drug den sa Pineda, Pasig City makaraan ang pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation Anti-Illegal Drug Division kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Marcos Castañeda Jr., 42, at Alma Castañeda, 35, pitong buwang buntis, at may anim na anak.
Sinalakay ng NBI-AIDD ang bahay ng mag-asawa sa 494 I. Lindayag St., kanto ng M. Diaz St., Pineda, Pasig City, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Reynaldo A. Alhambra ng Manila Regional Trial Court Branch 53.
( LEONARD BASILIO )