Friday , November 15 2024

Kampanya vs droga: Ilang buhay pa ba ang malalagas ?

SA mga pahayag sa tri-media pati na sa social media, ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang top headline halos araw- araw.

Hindi rin nahuhuli  ang social media sa mga postings na may kalakip pang retrato na kung maaala ay hindi inilalabas ng mainstream media dahil sa gruesome at distasteful …ngunit sa social media ay  todo-pasa lang ang mga ladlarang kahindik-hindik at brutal na sinapit ng mga biktima.

Ewan ko kung ito ay nagpag-iisipan na ng administrasyong Duterte na “someone in social media should check and evaluate if such photos should appear as they pose a notion that they are sensationalizing such stories or events that cause the surfing public undue alarm!”

PNP’s figures, so with GMA’s, ABS-CBN’s and two leading newspapers’ have different statistics on the number of killings brought about by this administration’s non-stop campaign on illegal drugs.

Nasabi ko ito sapagkat sa mga nagdaang Senate hearing nitong huli, pinagtatalunan o di-magkandatuto ang mga senador sa panel kung ilan ang napapatay sa police operation, extrajudicial killing o sa iba pang drug-related police operations.

Ang masasabi ko lang ‘e ang mga nabanggit kong media outfits  at ang PNP ay may sari-sariling research statisticians. Kung tatanungin si PDG Ronald dela Rosa ang isasagot niya’y talagang mataas ang numero ng mga napapatay dahil nanlaban sa mga pulis, kaysa naman ang isagot niya ay kokonting numero lang na kung wawariin nga naman ay lalong hindi kapani-paniwala.

Ang patunay dito, ang pagkakapaslang sa isang opisyal ng PNP sa isang operasyon sa Rizal at nitong huli ang isang PO1 sa Samar.

Totoo lang si dela Rosa, hindi niya itinatago ang dami ng mga tulak at durugistang napatay sa mga lehitimong pagpapatupad ng OPLAN TOKHANG at DOUBLE BARREL ng PNP sa buong kapuluan.

Isa siyang team player na ang adhikain rin sa buhay ay mapanuto ang isipan ng mamamayang Filipino at maibsan ang ating pangamba sa tuwing tayo ay lalabas ng bahay lalo sa gabi.

Nitong huling mga araw, lantad na lantad ang walang pakundangang paglabag ng mga sinasabing lulong sa droga…kung hindi solo, may kasakay sa motor na walang habas na namamaril, makapagnakaw lang.

Ilang kababaihan at kabataan na naman ang nalagas ang buhay nang walang kapararakan. Kailan lang na gawa ng mga riding-in-tandem criminal na mandi’y armado pa.  Ganito ka-bold ang mga kriminal  habang lalong pinaiigting ng pulisya ang kampanya laban sa droga at kriminalidad.

Naghahamon sila!

Eto ngayon, sa Senado kung gisahin si Dela Rosa ay para bagang EJK ang direksyon ng mga tanong!

Maigi nga at may Duterte at Dela Rosa na nagpakalalaking tunay para harapin ang malalang problema ng ating bansa na kailanman ay hindi pinagtuunan ng pansin ng nakaraang administrasyon!

At dahil nga sa lawak ng epekto ng masamang droga, ang malalaking personalidad ngayon ang lumalawit na animo’y kasapakat sa pagkalat nito lalo sa mga nakaraang halalan.

Ang tambalang Duterte-Dela Rosa ay may paninindigang buhay nila ang kapalit maiahon lang ang bansang Filipinas sa kinalugmukan nitong problema sa droga.

Maraming buhay na ang nalagas ngunit mas marami ang naging biktima ng mga nalagas na buhay.

Sinabi nga ni Duterte na ibinoto siya ng nakararaming Filipino sapagkat ibig natin wakasan ang peste ng droga, kuropsiyon sa gobyerno at kriminalidad sa lahat ng sulok ng bansa at sa kabilang banda ang tagapagpatupad na si Dela Rosa ay nagsabi na ang PNP ay hindi mamamatay-tao at ang ipinaiiral nila ay mga batas, matupad lang ang mailap na pangarap ng lahat ng Filipino na mamuhay nang walang agam-agam sa darating na bukas.

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *