PINUGUTAN ng adik na tiyuhin ang isang 14-anyos binatilyo kamakalawa sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa ulat mula kay Supt. Wilson Magpili, hepe ng Jose del Monte City Police, kinilala ang biktimang si Jeric Boyoc, residente ng Brgy. Minuyan Proper.
Habang agad naresto sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek na si Romelito Arroyo, nasa hustong gulang, ng nasabi ring lugar.
Napag-alaman, mismong ang suspek ang nagturo kung saan niya ibinaon ang ulo ng pamangkin.
Nauna rito, natagpuan ng ilang basurero ang katawan ng binatilyo sa dumpsite ng Brgy. Minuyan, na tadtad ng saksak sa katawan.
May nagturo na mismong ang tiyuhin ng biktima ang nagtapon sa katawan kaya agad naaresto ang suspek.
( MICKA BAUTISTA )