Saturday , November 16 2024

Ex-chairman itinumba sa Caloocan

PATAY ang isang dating tserman ng barangay makaraan barilin ng hindi nakilalang  mga suspek sa tabi ng kanyang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Tala Hospital ang biktimang si Cesar Padilla, 57, residente sa Phase 6, Block 62, Lot 3, Package 3, Brgy. 176 ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 6:00 am nang maganap ang insidente sa bakanteng lote malapit sa bahay ni Padilla.

Napag-alaman, biglang dumating ang mga suspek na naka-bonnet at binaril ang biktima saka tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Ayon kay Caloocan Police chief, S/Supt. Johnson Almazan, patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis dahil naniniwala ang pamilya ng biktima na ‘politically motivated’ ang insidente bunsod nang planong pagtakbong muli ni Padilla  nalalapit na ang eleksiyon. ( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *