Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay Marquez, humahataw ang showbiz career!

00 Alam mo na NonieNAKAHUNTAHAN namin recently si Teejay Marquez at inusisa namin ang guwapitong talent ni katotong John Fontanilla sa mga magagandang nangyayari sa kanyang career ngayon. Sobrang humahataw kasi si Teejay sa Indonesia, dahil kaliwa’t kanan ang projects niya ngayo sa naturang bansa.

“Okay naman po ako, kababalik ko lang po ulit galing Indonesia kasi, tapos na po visa ko. So nag-aaply po ulit ako ng bagong visa. About my career I can describe it as still on process, I’m doing everything step by step, no rush and hopefully, it will lead to reaching my dreams,” saad ni Teejay.

Dagdag pa niya, “Now that I’m back in Manila, I’m okay with guestings and events and pictorials sa mga endorsment ko po. I’m so blessed at nagkaroon po ako ng first major movie sa indonesia titled Dubsmash, The Movie and now bago ako bumalik sa Manila, nakagawa po ako ng TV series doon titled Kisah Cinta de Sekolah.”

Paano mo na-penetrate ang Indonesian market? “Napasok po ako sa Indonesia dahil sumikat lang po ang mga dubsmash video ko po sa Indonesia. Nag-viral din po ang videos ko sa Indonesia, kaya po nila ako nakilala.”

Dubsmash King of Indonesia ang bansag sa iyo, ano reaction mo dito? Gaano ka kasaya sa career mo ngayon?

Sagot ni Teejay, “Dubsmash King? Hehehe! Nakakatuwa na binansagan nila akong Dubsmash King. Hilig ko lang din gumawa nito dahil nase-share ko sa fans ko. Tapos napansin hehe na blessed at umabot ng ibang bansa pa, pati Malaysia, Vietnam at Kazhakstan.

“Masaya po ako sa career ko, kasi hindi naman ako nagmamadali na sumikat agad agad. Pero iyong mga ganitong blessings ay minsan lang po dumating, I’m so happy and thankful dahil hindi man sa ‘Pinas, Im thankful na din na ibang klase ang pagtanggap sa akin sa Indonesia.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …