Friday , December 27 2024

Libingan ng mga bayani, sundalo at iba pa

MAGING ito man ay para sa mga bayaning nagtanggol ng kasarinlan ng Inang bansa, ang Libingan ng mga Bayani na matatagpuan sa Bayani Road, Taguig City, ay libingan rin ng mga hindi bayani na nagsilbi sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ito ang buod ng batas na nagnombra ng huling hantungan na tinaguriang Libingan ng mga Bayani.

‘Di lang naging sundalo noong WWII  si Ferdinand Marcos kundi siya ay naging Pangulo rin ng Filipinas.  Kung ikaw ba ay naging Pangulo ng iyong bansa hindi ba nararapat rin sa libingang ito ikaw mailibing?

Bakit nga sabi ng iba, ang aso ng Presidential Security Group noong panahon ni Presidente Corazon Aquino ay dito rin nailibing?

Ang aking ninong na si police Brigadier General Adam Mendez Jimenez Jr., na dating hepe ng PNP Maritime Command ay dito rin nailibing.

Maraming iba pa na sundalo ang dito rin nailibing, private, lieutenant, captain, colonel at mga heneral ay dito rin inilibing.

Kung ang pagtatalunan ng ating mga kababayang nagsasabing mahal nila ang kanilang lupang sinilangan at ayaw nilang dito sa LNB mailibing si FEM, ‘e ano ba ang kanilang basehan upang tutulan ang pasiya ng Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay maihatid sa huling hantungan rito?

Sa mga ‘di nakaranas ng Martial Law noong bago pa ito ideklara hanggang ipinairal noong Setyembre 21, 1972 marami ang magsasabing nakabuti ang state of emergency. Nasa PC na ako noong petsang mangyari ito at kagagaling ko sa GHQ, na ako ay nagsilbi bilang research writer ng Office for Civil Relations, AFP sa ilalim ni Colonel Noe S. Andaya ng Philippine Army.

Bilang mananaliksik at manunulat,  dito sa OCR AFP ko nakita, naramdaman at napagtanto ang kaguluhang bumabalot sa ating bansa dala ng social unrest at inequality na ramdam na ramdam noon ng mamamayan.

Rally doon, rally dito… ambush-an ng mga tropa ng sundalo at iba’t ibang violent incidents maging ang dating Pangalawang Pangulong Emmanuel Pelaez ay  tinambangan at nagsabing “What is happening to our country?”

Ipinag-utos ni FEM ang pagpapatupad ng Martial Law sapagkat ‘di na n’ya masukat at malunasan ang kabi-kabilang kaguluhan sa mga lansangan at pati na ang mga buhay ng mga inosenteng mamamayan ay nasa tiyak na kapahamakan.

Marami ang magsasabing ang ginawang ito ni FEM ay nagligtas sa bansang Filipinas sa pagkakalugmok sa dami ng problema ng pamahalaan.

Tumpak naman dahil ang disiplina na umiral ng mga panahong iyon ng Martial Law ay isang bagay na muling nag-angat sa mapayapang kultura ng Filipinas. Lahat ay naging kaisa sa isang bagong lipunan ng mga panahong iyon.

Ngayon at ihahatid na sa huling hantungan ang dating sundalo at dating Pangulo ng ating bansa, ipagkakait pa ba natin ito?

Ang paniwala ko sa desisyong ito ni PRRD ay upang wakasan na ang ilang dekadang usapin na ang isang dating sundalo at naging Pangulo ng bansa  ay nararapat nang humimlay para sa ikapapanuto ng kanyang kaluluwa.

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *