PATAY ang isang hindi nakilalang lalaking hinihinalang supplier ng droga makaraan makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin kahapon sa Sampaloc, Maynila.
Agad binawian ng buhay ang hindi nakilalang lalaking tinatayang may gulang na 35 hanggang 40-anyos, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang drug bust sa 1040 Paquita St., Sampaloc.
Ayon kay Supt. Aquino B. Olivar, station commander ng Sampaloc Police Station (PS-4), unang tinutukan ng suspek ng .38 kalibreng baril ang mga pulis na humantong sa palitan ng putok.
Isang Alvin Gonzalez, isa sa apat na hinihinalang tulak ng droga na naaresto noong Agosto 13 sa Paquita St., ang nagturo sa mga pulis sa kinaroroonan ng suspek.
( LEONARD BASILIO, may kasamang uklat nina Joana Cruz at Kimbee Yabut )
2 SANGKOT SA DROGA TINADTAD NG BALA
TADTAD ng tama ng bala nang matagpuan ang bangkay ng dalawang lalakimg sinasabing sangkot sa droga sa magkahiwalay na insidente sa Taguig City at Parañaque City, iniulat kahapon.
Base sa ulat ng Taguig City Police, natagpuan ang bangkay ng hindi nakilalang lalaki dakong 12:30 am sa Nepelis St., Brgy. Sta. Ana ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat ng Parañaque City Police, dakong 3:30 am nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa 16th St., Puyat Compound, Brgy. Tambo ng naturang lungsod.
(JAJA GARCIA )