Wednesday , March 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

2 karnaper patay sa shootout

PATAY ang dalawang hinihinalang karnaper  nang makipagbarilin sa nagpapatrolyang mga pulis makaraan sitahin sa hinahatak na motorsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga napatay sa alyas Sammy,  20-25 anyos, at alyas Intoy, 20-25-anyos.

Ang mga suspek ay binawian ng buhay habang isinusugod sa Ospital ng Tondo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 2:45 am nang maganap ang insidente sa tapat ng M. Hizon Elementary School sa Jose Abad Santos St., Tondo.

Habang nagpapatrulya sina PO1 Zedrick Dumon at PO1 Jo Christian Isidro nang mamataan ang dalawang suspek na hinihila ang isang motorsiklo.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek ngunit agad silang pinaputukan.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng dalawa.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Miro Quimbo Bojie Dy

Liderato ng Kamara pabor more power kay PBBM vs pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng suporta si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa layunin …

Kamara, Congress, money

Ika-tatlo at ika-apat na impeachment complaint “sufficient in form”

ni Gerry Baldo IDINEKLARANG sufficient in form ng House Committee on Justice ang ikatlo at …

Israel Iran War

Sa Tel Aviv, Israel
OFW PATAY SA AIRSTRIKE

KINOMPIRMA ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) …

POLPHIL Ric Serrano Danilo Lim Elmer Argano

Provincial rate ibasura
Pantay na sahod para sa pantay na trabaho isabansa – POLPHIL

IPINAHAYAG ng People’s Progressive Humanist Liberal Party (POLPHIL) ang buo at walang pasubaling suporta sa …

yosi Shabu

2 durugistang bebot, 5 pang adik tiklo sa pot session

WINASAK ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den na …