Friday , May 3 2024

Paolo, ‘di pa alam kung kailan makababalik ng Eat Bulaga!

IISA ang tanong kay Paolo Ballesteros nang makatsikahan siya ng ilang entertainment press na dumalaw sa first shooting day ng pelikulang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend sa St. Vincent Seminary Church, Tandang Sora, Quezon City noong Huwebes ng gabi kung kailan siya babalik sa Eat Bulaga.

“’Yan din ang tanong ko, ha, ha, ha baka alam n’yo?” tumatawang sagot ng TV host/actor.  Sabay sabing, “wala pa po.”

Hindi naman itinanggi ni Paolo na sobrang nami-miss na niya ang pangtanghaling programa.

“Siyempre nami-miss, eh, ‘di ba araw-araw ginagawa ‘yun, nami-miss ko ‘yung mga kasama ko sa trabaho, pero mas nami-miss ko ‘yung mga na-interview namin na nananalo sa ‘Juan For All’, ganoon.

“Kasi kakausapin mo sila, tatanungin mo kung anong buhay nila, ganyan. Kaya kapag nagsu-shooting kaming may mga taga-Barangay, kinakausap ko ‘yung mga lola,” bungad kuwento ni Paolo.

Nagkaroon naman daw ng pag-uusap na sina Paolo, manager nitong si Jojie Dingcong at TAPE kung bakit siya nawala sa Eat Bulaga at ipinaliwanag talagang mabuti sa kanya.

Ayaw banggitin ng tinaguriang Make-Up Transformation King kung ano ‘yung sinabi sa kanya, “company matters.”

Sobra talagang nalungkot si Paolo dahil umabot na siya ng 15 years pala sa EB, “nag-start ako 2000 or 2001. Oo may kasyondaan na,” tumawang sabi ng TV host/actor.

“Okay lang naman kasi hindi lang naman ako ‘yung napahinga, niloloko ko nga sina Jose (Manalo) at Wally (Bayola), ‘o, at least tayong tatlo, tie na tayo.; Kasi ‘yung dalawa napahinga rin, (sabi ko nga), ‘wala na tayong maipagmamalaki sa isa’t isa’.”

Buti na lang daw at dalawa ang pelikulang ginagawa niya ngayong napahinga siya ng mag-aanim na buwan na sa EB sa Setyembre kaya maski paano ay may panggastos siya.

“Ito, gumagawa ng ‘Die Beautiful’ at itong ‘Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend’. Okay naman kasi itong movie (ikalawa), nag-umpisa kami last month lang, before ano lang, bedrest, pahinga lang. Nasa bahay lang ako. Timing din kasi ang init, so talagang napahinga ako,” say ng aktor.

At wala raw siyang ginawa kundi magluto rin at ipino-post niya sa Instagram account niya na akala naman ng iba ay magkakaroon na siya ng cooking show.

Sa tanong kung bakit lahat ng gwapo ay may boyfriend, “ay hindi ko alam kasi wala rin naman akong boyfriend, ha, ha ha so hindi lahat,” tumatawang sagot ng aktor.

Isang closet gay daw ang papel ni Paolo at base sa pagkakaalam niya ay siya lang ang nakaaalam na bading siya dahil ayaw niyang mag-out, pero hindi niya alam na halos lahat ng kasama niya sa pelikula ay alam na bakla siya.

“Si Dennis ang first love ko rito kasi kasama ko siya noong high school. Tapos wala kaming closure, tapos nagkita kami magpapakasal na siya sa babae, eh, kami ‘yung wedding planner so, ia-out namin si Dennis (akala bakla siya) para magkaroon ng closure,” kuwento ni Paolo.

At sa tanong kung may kissing scene sila ni Dennis, “sana, char ha ha ha,” tumawang sagot ng aktor.

Sa tingin ni Paolo ay napapanahon ang pelikulang Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend, “oo, ang daming bakla, eh.”

Samantala, kasalukuyang nasa Chicago, Illinois ngayon ang anak ni Paolo at doon nag-aaral kasama ang mama nito.

Masayang ikinuwento ni Paolo, “mayroon na raw siyang sariling kuwarto, bumili na ng kama at kung ano-ano pa.”

Huling kita ng aktor sa anak noong Disyembre nang mag-show daw siya sa Los Angeles ay pinuntahan siya ng mag-ina at noong nag-show din sila sa Dubai kasama ang Eat Bulaga.

At sa huling tanong namin kung kumusta ang lovelife niya, “nganga,” natawang sabi sa amin.

Sa Oktubre na mapapanood ang Bakit Lahat Ng Gwapo Ay May Boyfriend na pagbibidahan din nina Anne Curtis, Dennis Trillo, at Yam Concepcion mula sa direksiyon ni Jun Lana line produced ng Idea First Company at produced ng Viva Films.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *