Friday , November 15 2024
road traffic accident

7-anyos, 2 pa patay, sanggol, 13 pa sugatan sa 2 banggaan sa Quezon

NAGA CITY – Patay ang tatlo katao kabilang ang 7-anyos batang babae habang sugatan ang 14 iba pa sa dalawang insidente ng banggaan ng mga sasakyan sa Candelaria, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga namatay na sina Jayfy Bautista, 48, at si Marvic Malehano, 7-anyos.

Binabaybay ng jeep na minamaneho ni Diomedes Petallano, 48, ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Mangilag Sur sa nasabing bayan nang makabanggaan ang kasalubong na van na minamaneho ni Bautista.

Sugatan sa insidente ang mga pasahero ng van na sina Luisa Molleno, 51; Dominga Aguila, 49; Margie Aguila, 31; Ronalyn Malihana, 28; Melody Molleno, 24; Ronal Malihan, 22; Sharon Aguila, 22; Norie Fernado, 21; 17-anyos estudyante; 11-anyos dalagita, at isang taon gulang sanggol na babae.

Sugatan din ang sakay ng jeep na si Rolando Vasquez.

Itinakbo sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang batang biktima gayondin ang driver ng van.

Samantala, patay ang isang lalaki na kinilalang si Jerahmeel Faigao, 31, habang sugatan ang kasama niyang si Ledievine Verde, 33, nang mabangga ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Brgy. Masin Sur sa parehong bayan.

Itinakbo sa ospital si Faigao ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor habang tumakas ang driver ng truck.

( RAFFY SARNATE )

About Raffy Sarnate

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *