Friday , November 15 2024

Anti-drug operations at anti-illegal gambling operations ng PNP

KUNG sabagay tama si PDG Ronald dela Rosa sa kanyang huling direktiba na masusi munang pagtuunan ang kanilang kampanya laban sa droga sapagkat mapupuno nga naman ang kamay ng buong pulisya kapag sabay-sabay na aasikasuhin ang isa pa ring masalimuot na trabaho hinggil sa ilegal na sugal, na pera pa rin ang pangunahing aspeto o elemento.

Ang illegal gambling ay isa sa Crimes Against Public Morals, isang klase ng krimen tulad ng Child Trafficking. Naaalala ko pa noon sa dating CIS na ngayo’y CIDG, miyembro ako ng sub-committee ng Crimes Against Public Morals bilang Secretariat.

Di matapos-tapos ng pinagsamang PNP-NBI-DOJ-PAGCOR ang disenyo ng mga estratehiya kung paano masasawata ang ilegal na sugal, lalo na ang numbers game na numero uno ang jueteng.

Matanda pa sa nabubuhay na tao ang sugal

na jueteng…

Kastila  ang pinagmulan umano ng sugal na ito, sabi ng marami kong nakausap na sobrang senior pa sa akin.

Sa pahiwatig ni Bato dela Rosa, siguro nama’y tama lang na ang laban kontra droga ang pag-ukulan nang mabuting pansin muna ng pambansang pulisya.

Hindi natitinag ang PNP sa kanyang marubdob na pagnanasang wakasan na ang paglaganap ng talamak na droga.

Ang kaseguruhan na ipinahiwatig sa PNP ni SolGen Jose Calida na sila’y ipagtatanggol laban sa mga hindi sang-ayon sa kanilang anti-drug operations at lalong nagbigay-buhay sa kanilang adhikaing sawatain ang drug menace na siyang kumikitil sa buhay ng ating mga kababayan lalo na ang kabataan.

Gayon din naman ang buong pananalig ni Secretary Sid Lapena ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) na sa takdang panahon ay mapupuksa rin ng PNP ang mga galamay nang gindi mabilang na sindikato ng droga na maging ang pulisya umano’y natangay na ng masamang bisyo.

Tulad ng pagkakadawit ng limang heneral bilang mga coddler o protector umano ng mga nakatagong sindikato.

Naaalala ko pa noong si PSSupt Sid Lapena ang aming Deputy District Director sa CPD noong panahong

si PCSupt Victor Luga ang aming District Director noong taon 2000.

Seryoso sa trabaho si Lapena at makapagpapatunay diyan ang aming kasama rin noon na si PSSupt Elumbaring  na ngayo’y retirado na rin.

Malaki na ang pinsala ng droga, hindi na rin mabilang sa kamay ang dami nang nagsitumba sa pakikibaka sa mga pulis na umaaresto sa kanila.

Sabi ni Dela Rosa ang mga kingpin o ang mga lider ng mga sindikato na mismo ang gumagawa ng mga mala-viligilant o summary execution ng kanilang mga galamay nang sa gayon ay hindi na makapiyok para huwag silang maituro o mainguso pa.

Meron din nagsasabing ang mga nagsitumba ay alin sa sila’y mga kakompetensiya sa “illegal drug trade” o pagkakalat ng droga sa buong kapuluan na maaaring tama rin kung susuriing mabuti ang kalakaran ng pagiging isang criminal syndicate.

Bago ako nagtrabaho sa CIS noon (CIDG ngayon) sa  PC CANU o Constabulary Anti-Narcotics Unit ako unang naging mananaliksik ng mga uri ng gamot na inaabuso at iba’t ibang uri ng droga.

Naobliga rin akong kumuha ng kurso sa Narcotics Investigation upang lalo kong mapalawak ang kaalaman sa mga ipinagbabawal na gamot.

Dito sa trabaho kong ito naging Information Writer ako ng PC CANU at PC CIS na noo’y nag-o-operate laban sa mga ilegal na droga.

Noon na lang mid-70s nang mabuhay ang PC CANU saka lang binitiwan ng PC CIS ang trabaho laban sa droga. Ito ang iniutos noon ni Chief PC Brig. Gen. Fidel V. Ramos.

Kung malawak ang natutuhan ng isang Narco operative sa pakikitunggali sa mga sindikato ng drogra, sasabihin kong mas malawak ang galamay ng isang sindikato ng droga dahil ang “compartmentalization” ay patakaran o kalakaran ng isang sindikato ng droga.

Maaaring kung ikaw ay isang street pusher ng droga, hanggang doon sa kung sino lang ang nagbibigay sa iyo ang makikilala mo.

Iyan ang “ascending order” ng kinalalagyan mo. At kung ikaw ang lider ng sindikato ng droga, ang pinamamahala mo ng operasyon lang ang nakakakilala sa iyo. Iyan naman ang “descending order” kung ikaw ang tagapamahala.

Ang susunod na ‘missing link’ mula sa pinagmulan ay walang nakababatid hanggang sa kadulu-duluhan pababa na nagtatapos sa taong nag-abot sa “street pusher.”

Ganoon ‘kasinop’ ang isang sindikato ng droga.

Maaaring magkakasama kayo sa trabaho sa isang organisasyon ngunit hindi ninyo batid na kayo pala ay parehong ‘pasok’ sa sindikato.

Saka na lang ninyo malalaman na ganoon pala ang inyong katayuan kapag na-swak kayo sa isang well-planned police operation… at magtataka pa kayo!

Ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay may sariling intel network at ang pagrerebalida ng mga impormasyong hawak niya  ay sa pagkakataong ang dalawa o mahigit na pinagmumulan ng hinala ay siya rin nababanggit na tao o

Totoo man o hindi, prerogatibo ng ating Pangulo ang maging mapusok sa kanyang mga direktiba lalo pa at ang buhay ng maraming kabataan ang nakasalalay.  Kapag ang kanyang kampanya laban sa droga ay mintis o di-sapat, tayong mga mamamayan din ang magdurusa sapagkat hindi natin binigyang pagkakataon ang mithiin ng ating Pangulo na malinis ang ating lipunan sa ipinagbabawal na gamot o droga.

Sama-sama tayong magtulungan… ang lahat ng krimen ay dapat sugpuin at mangyayari lang ‘yan kapag lahat ng Filipino ay magkakapit-bisig sa lahat ng pakikipaghamok ng pamahalaan laban sa droga, korupsiyon at krimen.

Nababanaagan ko ang malaking pagbabago… sa atin dapat magmula ang tunay na pagbabago!

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *