Friday , December 27 2024

24th AFAD Defense and Sporting Arms Show: Puri at puna sa PNP

MINABUTI ko nang tumungo sa SM Mega Mall sa EDSA, Mandaluyong City nitong nakaraang 14 Hulyo 2016 para sa isang mabilisang proseso ay makapag-apply ng LTOPF o ang sinasabi noong panahon nang dating hepe ng PNP na License to Possess Firearms.

Ang bagong pamunuan ni PDG Ronald dela Rosa ay kapwa nakinabang sa Defense and Arm Show kasama siyempre ang grupo ng Association of Firearms and Ammo Dealers. Pinasinayaan ni Bato dela Rosa ang okasyon, nandoon siya, nakita ko na nag-iikot matapos ng isang maikling panayam sa mga tao at media na nag-cover ng event.

Good development na masasabi ko ang ginanap na event sapagkat isinabay ito sa isang caravan muli ng PNP Firearms and Explosives Office para sa mga aplikante ng LTOPF at PTCFOR, o Permit to Carry Firearms Outside of Residence.

Sa katunayan, nanghinawa ako sa pag-a-apply ng LTOPF noong una itong ipatupad sapagkat matay kung isipin ang dami ng rekesitos para lang magkaroon ng lisensiya ng baril.

Aminado akong inabot nang halos mahigit isang taon para pag-isipan kung susunod ako sa patakaran… ngunit laking gulat ko, nakapaskel sa mga tarpaulin sa loob ng tatlong bulwagan sa 5th floor ng SM Mega Mall at mandi’y inulit ni Bato dela Rosa na pinaigsi na ang mga kailangang dokumento para sa LTOPF.

Totoo ang aking nakita at narinig. Apat na rekesitos ang kailangan para magkaroon ng LTOP:  application form for LTOP, drug test, neuro-psychiatric test at RTC o MTC clearance o di kaya’y NBI Clearance.

Dagdag rito ang “Gun Safety Seminar” na inabot ako ng pagsasara dahil lampas alas singko na ng  hapon.

Marami at dagsa ang mga nakasabay kong seniors at sa dami ng crew na bumuo o nag-organisa ng event, kapansin-pansin ang isang dalagitang paroo’t paritong nag-a-assist ng new applicants sa LTOPF. Maging ako na makalawang beses na humingi ng asiste sa kanya, ay dagli niyang natulungan.  Ito kasing NBI na nagpoproseso ng clearance sa caravan ay hindi pala tumatanggap ng walk-in applicants!!! Bakit???

At dapat sa internet ka makipag-appointment?! You sound or look indifferent from the PNP offices involved in the effort!

Isa pang napuna ko noong ako ay nasa drug testing stage na, ang isang kawani ng PNP Crime Laboratory Service ay medyo iba rin ang dating.  Matapos akong umihi sa puting boteng plastic sa CR sa loob ng room natural lang na kahit papaano ay gagamit ka ng tissue paper o napkin kaya para punasan ang iyong kamay.

“Puwede ba brod makahingi ng tissue paper pamunas ng kamay?” sabi ko sa lalaking kawani.

Ang sagot sa akin: “ Wala ho kami niyan, kawani lang kami rito!”

Okey na sana, pero noong pinabuksan niya ang bote ng ihi ko para idawdaw niya ang  isang  glass-like tube para kunin ang sample at i-test, ipinabalik pa sa akin ang takip ng aking urine sample. Nasabi ko sa sarili ko na hindi yata tama itong proseso ng PNP CLS!

Ang kawani o technician ninyo ay salat sa kaalaman sapagkat ganoon na rin lang ang trabaho niya e bakit wala man lang siyang sariling safeguards tulad ng sanitary mask o plastic gloves para sa kanyang sariling gamit-pangkalusugan?!

Ang laki ng pagkakaiba ng dalagang crew ng organizer na Global Link MP Events Inc., sa kawani ng PNP CLS.

Ang kawani sana ng PNP CLS ang ehemplo ng tunay na serbisyo publiko…hindi ang babaeng crew ng organizer — nasabi ko tuloy sa sarili ko!

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix V. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *