Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaclyn, idinepensa ang pagkapanalo sa Cannes

BILANG sagot sa kanyang detractors ay nag-post si Jaclyn Jose ng photo ng previous Cannes best actress winners na isa siya rito.

She won for her pusher role in Ma’ Rosa.

Parang nagpatutsada si Jaclyn sa kanyang caption, ”Sa mga naniniwala maraming salamat, sa mga nagdududa? Nailagay ko po ang Mapa ng Pilipinas sa pinaniniwalaang prestihiyosong paean gal. Salamat po.”

In fairness, marami ang nagtanggol kay Jaclyn sa kanyang caption pero marami rin naman ang bumatikos sa kanya.

“She needs to move on na. That was months ago already.”

“True. Nagiging mayabang n tuloy dating nya. Bka mmya every issue nlng n ku-kwestyon s acting skills nya kht hindi related s ma rosa e babalik-balikan nya ito. Kya rin ayaw sya tantanan ng bashers e.”

“May critics pa talaga sya sa lagay na yan? Eto namang si Jaclyn patola. World class sa acting pero sa magnanimity bokya.”

“Habog! Kaya kahit langaw walang laman Ang sinehan eh ! What’s the point of acting Kung wala namang audience hahhaha.”

‘Yan ang ilang comments against her.

“Dinefend lang niya sarili niya. Kung ikaw ba naman nagpagod for your whole life at nakatanggap ka ng ganyan pero nasa 60 yrs of age ka na eh hindi ka din ba matutuwa. Sa tinagal ng hirap na ginawa mo for your craft napansin ka diba,”depensa naman ng isang fan.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …