EXTENDED ang non-rating show ni Marian Rivera.
Nakakaloka, ‘di ba? Hindi na nga nagre-rate at palaging single-digit ang rating ay na-extend pa ang show ng dyowa ni Dingdong Dantes. How’s that for pleasing Marianita.
Kaya naman hindi nagre-rate ang show ni Marian ay wala itong substance. Ang mga guest ay puro has-been, never-been, starletitas of gigantic proportion o kaya never heard.
Sorry, ha, pero that’s our observation about Marian’s show.
Ang feeling namin, kaya lang ito na-extend ay dahil ayaw ng Siete na maimbiyerna si Marianita. Isa pa, mas magastos kung gagawa sila ng bagong show na ipapalit sa non-rating show ni Marian.
One thing more, siyempre gusto nilang sulitin ang ibinabayad nila kay Marian dahil guaranteed contract siya, meaning, may trabaho o wala ay bayad siya.
Ang nakakaloka nga, balitang tinanggihan ni Marian ang soap opera na in-offer sa kanya. Gusto raw niyang mag-focus sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Maria Letizia.
UNCUT – Alex Brosas