Friday , November 15 2024

Bagong pamunuan ng PNP CIDG at PNP AIDG, pawang di matatawaran sa larangan ng paniniktik

ANG bagong pamunuan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at PNP Anti-Illegal Drugs Group ay isang hudyat na ang liderato ni PDDG Ronald dela Rosa sa pambansang pulisya ay dedicatedly focused sa pakikipagtunggali sa talamak na droga at sa mga kasong kriminal na pawang ‘di masyadong napagtuunan ng pansin nitong huling mga buwan tungo sa pagupo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Totoong ang droga at krimen ay masasabing magka-kambal. Ang isang taong pasok sa droga kalimitan ay nahahantong sa paggawa ng krimen.  Pati ang pulisya ay hindi pinatawad ng droga sapagkat nitong mga huling araw nakakitaan natin ang pagkagumon ng ilang mga iresponsableng pulis sa droga.  Mismong si “Bato” dela Rosa ang nanguna sa pagpapa-random drug test sa PNP upang maipamalas sa lahat ng nasa serbisyo ng unipormadong pulis na siya ay tumatalima sa utos ni Pangulong Duterte sa pamamamagitan ng voluntary submission to drug testing.

At ang kanyang hamon sa mga pulis na naliligaw ng landas, sumuko na at magbagong buhay…kung hindi ay bukas ang Camp Crame at kahit anong oras ay puwede na nilang lisanin ang serbisyo!  Totoo ang hinala ni Dela Rosa at maraming Filipino na ang mga bugok at adik na mga pulis ang sumisira sa imahe ng pambansang pulisya… at dapat lang na umalis na sila hangga’t maaga.

Tama si Dela Rosa na mainis at tuluyang magalit dahil “kung sino pa silang dapat sumunod sa batas ay sila pa itong mga unang nagba-violate! Nakasusuka nga naman!

Ang pagkakahirang kay PSSupt Albert Ferro, dating opisyal ng CIDG ay tumama sa panahon. Kilala ko si Bert Ferro at nakasama ko siya sa CIDG nang matagal na panahon. Sanay mangapa ng wanted persons si Bert at napatunayan niya ito sa dami ng medalya at papuri sa tagal ng panahong nanilbihan siya sa CIDG.

Gayon din ang pagkakatalaga kay PCSupt Roel Obusan, isang abogado at dating main man at operator-at-large ng dating PBrig General Adam M. Jimenez Jr., ang batikang opisyal ni PC/INP Chief Ramon E. Montano noong araw.  Si Roel ay nakasama ko rin dahil nga ako ay kung saan-saang assignment natalaga noong panahon niya. Matagal din operator si PC/Supt. Obusan at aral sa taktika at tiyaga ni Jimenez sa paghahanap ng mga kriminal na sadyang kinakailangan kalusin na sa lipunan.

Ngayong si Obusan na ang top honcho ng CIDG, na tayo ang OPR noon ng tanyag na kilabot na Task Force Sampaguita circa 73 hanggang 76 nang si Montano ang tinatawag naming Spider 6, hindi malayong ang mga kilabot na wanted sa Order of Battle ang susunod na mangapipitas tulad ng mga mala-palos na drug lord na siya naman ngayong prime target ni Ferro.

Hindi nagkamali si PDDG Dela Rosa sa mga ipinuwesto niya, ang Koyang ninyo na ang magsasabi —dahil nakasama ko sila sa trabaho. Sa kanila ko nakita ang dedikasyon ng tunay na  tiktik at imbestigador.  Noong una pa man, nasabi ko sa sarili na ang dalawang sina Roel at Bert, ay malayo ang mararating.  Let us witness how developments unfold in the implementation of their respective mandates. Our PNP need our utmost support and cooperation to end this menace of drugs and criminality in our midst!

Peace and order is everybody’s business!

SOUNDING BOARD NI KOYANG – Jesus Felix B. Vargas

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *