Sobra umano ang hirap kompara noong mga nakalipas na taon ang questionaires sa licensure exa-mination na ibi-nibigay sa mga nais maging guro, sabi ng mga umiksamen, dahil sa K-12 ay nabago ang mga katanungan sa examinations, kaya posible na maraming di pumasa ngayon sa nasabing exam. Ibig sabihin marami ngayon ang hindi ma-tutupad ang pangarap na maging guro!
***
Ayon sa mga aplikante na umiksamen,dahil pinaiiral na ang K-12 dapat ay mas maraming guro ang kailangan, ngunit desmayado sila sa hirap ng eksaminasyon,kaya marami ang kabado ngayon na baka hindi sila makapasa!
Online gambling ‘di sakop ng PAGCOR
Hindi sakop ng PAGCOR ang online gambling ayon kay newly designated PAGCOR Chairperson Andrea Domingo dahil ito ay sakop ng mga pribadong nagmamay-ari. Kaya aalamin pa ni Domingo ang paraan para masupil ito alinsu-nod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
***
Dahil sa casino, maraming nalulugmok ang kabuhayan, dahil sa sugal marami ang nawawasak na pamilya. Kung gusto ni President Digong na alisin ang sugal,dapat unahin niya ang mga sugal gaya ng casino. Dahil hindi lahat ng nagsusugal sa casino ay may kakayahan na magsugal, ang iba ay nakikipagsapalaran lamang na lumago ang hawak na pera, pero sa halip na dumami ay mas dumarami ang problema kapag talunan. Kasunod nito, sakripisyo na ang pa-milya dahil natalo sa sugal ang pera,kahit anong sugal, ay salot!
KATOK-BAHAY SA MGA DRUG PUSHER
Alam pala ng mga pulis ang bahay ng drug pushers dahil kinakatok nila ang pinto ng bahay nila. Bakit ngayon lang? Dahil pa-impress kay President Digong? Alam pala ng mga pulis ang bahay ng mga salot na drug pushers bakit di nila nagawang dakpin noon pa! Bakit hinintay pa ang pag-upo ni President Digong? Talaga itong mga pulis, minsan pinapatay pa. Takot marahil na ibulgar ng napatay na drug pushers na sangkot sila bilang mga protektor ng ilegal na droga!
May apelyidong AKIBA ang hapones na may AIDS
Nakakatakot, maghahasik ng lagim ang Hapones na si AKIBA. May siyota pang Filipina. Batay sa inpormasyong nakalap natin, sa isang ospital sa San Francisco USA nadiskubre na may delikadong sakit si AKIBA na nakahahawa.
Si AKIBA ay mahilig pa naman sa mga babaeng mabababa ang lipad! May-ari ng isang klab si AKIBA sa Macapagal Ave.
Dapat maalarama ang Department of Health!
ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata