MAY bagong segment ang ASAP21 na tinawag na ASAPinoy na mapapanood ang tribute sa Original Pinoy Music (OPM) para sa master series na bawat buwan ay mapapanood na inumpisahan kahapon, Linggo ni Gary Valenciano bilang tribute kay Maestro Ryan Cayabyab.
Kabilang din sa bibigyan ng OPM tribute sina Louie Ocampo, Willy Cruz, at George Canseco sa mga susunod na buwan.
Bukod sa ASAPinoy segment ay inaabangan din ang ASAP Birit Queens na binubuo nina Jona Viray, Morissette Amon, Klarisse de Guzman, at Angeline Quinto, ASAP Soul Sessions naman ang tawag kina KZ Tandingan, Kyla, Daryl Ong, Jason Dy, at Jay-R, join din si Jolina Magdangal sa ASAP LSS o Love Songs and Stories.
Sa nasabing presscon ng ASAPinoy noong Biyernes ay isa-isang tinanong ang mga kasama sa programa kung ano ang naging journey nila sa ASAP.
Si Erik Santos ang unang sumagot, “estudyante po ako noon ng high school, day 1 pa lang po ng ‘ASAP’, big fan po ako. Naalala ko po, noong college na ako, nag-absent ako ng ROTC para lang makapanood po ng episode ng ‘ASAP’.”
Kuwento naman ng baguhang si Jason Dy, “ako po, fan din po ako ng ‘ASAP’ kahit po ‘yung mga replay sa Jeepney TV, napapanood ko po ‘yung lumang episodes, sina sir Martin (Nievera), sir Gary, si Ms Pops (Fernandez), si Ms Dayanarra Torres pa na sumasayaw noon, kasi kantahan po every Sunday. Ini-schedule pa nga namin ng pamilya namin na every Sunday, kailangan maaga kaming magsimba para by lunch time, makauwi na po kami, (limang taon noon).”
“Five years old po kasi ako noon, hindi pa po ata ako marunong manood ng TV kasi nasa kalye ako, so ‘yung time na ‘yun, hindi pa po ako kumakanta, 6 years old po ako nag-umpisang kumanta-kanta,” kuwento naman ni Angeline.
Say naman ni Klarisse, “ako po 3 years old pa lang ako noon, hindi ko pa po napapanoo,’di siguro Bananas and Pajamas palang noon, pero noong natuto na po ako manood, parati na po akong nanonood ng ‘ASAP’ ‘pag lunch. Ang sarap po kumain ng lunch habang nanonood ka ng ‘ASAP’ at napapanood ko ‘yung mga idol ko na kasama ko na ngayon.”
Natawa naman ang lahat ng si Jonalyn na Jonan na ngayon, ang tinanong kasi nga naman galing siya sa SOP ng GMA 7dahil produkto siya ng Pinoy Pop Superstar.
Bahagi naman ni Jona, “Five years old po ako noon, ‘Sanliggo NAPO’ sila pa noong time na ‘yun. Siyempre po, wala pa akong masyadong kamalayan na rito rin pala ako mapupunta after 21 years, very happy po.”
At sa tanong kung pinanonood din noon ni Jona ang ASAP maski nasa kabilang network siya? “Sume-segue po, dalawa po TV sa backstage (GMA), ‘pag may time po na hindi kami nakakapag-live noon sa ‘SOP’, ‘yun nakakapaglipat po kami ng channel at nakakapanood ng ’ASAP’.”
Tanong ulit kay Jona kung ano ang pakiramdam na nanonood siya ng ASAP na inilalampaso sa ratings ang katapat nitong programa, magaling sumagot ang dalagang singer, “ay malakas po ang ‘SOP’ that time,” sabay tawanan ang lahat.
Hirit ni Erik, “oo malakas noon ang ‘SOP’, pero noong dumating na ang Champions (Erik, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Mark Bautista, at Rachel Ann Go), wala na, nabawi na namin.” Asan na nga ang SOP ngayon?”
Walang nasabi na si Jona pero kaagad naman siyang sinalo ni Gary V, “regardless of what she came from, look what she is now.” At nagpasalamat naman ang dalaga.
Pahayag naman ni Yeng, “pareho kami ni Angge na six years old pa lang ako noon, parang wala rin kaming ulirat sa TV, noong una akong nanood ng ‘ASAP’, parang hinati kasi may mga teenager na sumasayaw.”
At si Kyla na galing din ng SOP, “bago po ako nag-’SOP’ dati, madalas po ako sa ‘ASAP’, dito rin ako nag-launch ng first album ko na ‘Hanggang Ngayon’ sa ‘ASAP’ po ‘yun, nag-roundtrip lang pala ako.”
Samantala, natanong si Gary tungkol naman sa journey ng ASAP na minsan bumaba ang ratings at nagkaroon ng changes sa hosts at iba pa.
“Every show that we have maliban sa suot natin which is very colorful, maliban sa mga music natin vary from one kind of genre to the next, its been powerful, it’s been eventful, sometimes uncertain but that’s really what the industry all about.
“If you take out ‘ASAP’, all our careers would be like that, sometimes it’s okay, and sometimes it’s not.
“But the nice things about it is every once in a while we have like a session where all the artists and staff gather together, we have activities that teach us to trust each other, trust each other’s decision and to find reinforce division behind what ‘ASAP’ is supposed to be. And I think, we accomplished all these things.
“At times it works, but people look for something else, so we try and cater to what they want and then we give it to them, it works and after a while, it’s fade away and we give something else.
“And for the fact, the fact that ‘ASAP’ has been around for 21 years, they’re must be doing something right for the past 21 years to make us look forward for the next 20 years.”
Kamakailan ay nasulat naming bumaba ang ratings ng ASAP kaya nagpalit ng hosts ang programa na kinabibilangan ninaSarah Geronimo, Toni Gonzaga, Luis Manzano, at Piolo Pascual.
Kailangan ng ‘change’
Samantalang sina Gary, Martin, at Zsa Zsa Padilla ay nawala na at ilang beses na lang napapanood sa isang buwan.
Maganda ang paliwanag ni Gary dito, “actually, I want to correct that when Martin at Pops time, wala pa ako noon sa ‘ASAP’, I only joined ‘ASAP’ in 2004-2005. At that point, ‘ASAP’ was 10 years na.
“I was very honest sa ‘ASAP’ at sa ABS, sinabi ko na if my role is not as much needed na, I don’t mind appearing less so the others would also be given more exposures. Kasi kung ako apektado, lalo naman ‘yung mga baguhan. So, I actually offered that, and so I only appeared twice a month in ‘ASAP’.
“For me, it’s a good change and it’s something fresh, it’s something new, hindi lang ‘yung sinipa na lang kami nina Martin and Zsa Zsa na hindi na kami kailangan. Because they (ASAP) never express na hindi na kami kailangan, they just said, we just need a change, mabuti naman na Martin and myself and Zsa Zsa have all agreed.”
Sa kabilang banda, sa mga kababayan nating taga-New York City, USA, magkakaroon ng ASAPinoy show sa Barclays Center (Brooklyn, NYC) sa Setyembre 3, 2016 na may 55,000 seating capacity.
Balita namin ay malakas ang bentahan ng tickets dahil nakipila rin ang mga kamag-anak naming galing pa ng New Jersey at San Diego para manood ng ASAPinoy.
Ayon naman sa Business Unit Head ng ASAP21 na si Ms Joyce Liquicia, first time nilang mag-New York kaya excited silang lahat kasama na ang 30 artists na ka-join sa show na produced ng TFC o The Filipino Channel.
“Madalas kasi kami sa Los Angeles at iba pang lugar, so first time namin sa New York, maganda raw ang feedback,” sabi ni Ms Joyce nang makatsikahan namin sa presscon.
Hindi naman makakasama ang JaDine loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre dahil busy sila sa bago nilang teleseryeng Till I Met You under Dreamscape Entertainment.
FACT SHEET – Reggee Bonoan