Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, gamit na gamit sa show ni Marian

GRABENG panggagamit ang ginawa ng show Marian Rivera kay Kris Aquino, ha.

We felt na hindi na dapat itanong pa kay Kris ang tungkol kina Maine Mendoza and Alden Richards. Hindi na dapat  i-include sa question and answer portion ni Marian kay Kris ang  tungkol sa dalawa. Wala naman kasi siyang kinalaman kina Maine at Alden, wala silang something in common.

Obviously, nagamit lang si Kris to promote the movie of the two.

What’s surprising is that in-allow ni Kris na magamit siya ng show ni Marian na hindi naman nagre-rate. Ang mas nakakaloka, ni hindi man lang siya tumanggi sa mga question na ibinato sa kanya. Hindi siya siguro aware na may movie ang dalawa.

When the story came out sa isang online portal, tila napagsabihan pa si Kris dahil nagkamali ito sa claim niyang hindi pa niya nami-meet si Maine.

Nagkita na pala ang dalawa sa isang event for LBC. Nagpa-picture pa nga si Maine kasama si Kris and another guy. Wala pa si Maine noon sa showbiz kaya hindi siguro matandaan ni Kris ang pagkikita nila.

Ang feeling namin ay nagamit lang si Kris sa show ni Marian. It was obvious naman dahil naghihingalo na ang morning show ng dyowa ni Dingdong Dantes and surely, makatutulong ng malaki ang guesting ni Kris sa programa. It was what the show needed, isang matinding guest para kahit paano ay umangat naman kahit by one point ang rating ng show.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …