MARAMING fans ni Sandara Park ang natuwa when she was chosen as one of the judges ng bagong reality show ng Dos, ang Pinoy Boyband Superstar.
Kasama ni Sandara na magiging judge sina Yeng Constantino at Vice Ganda.
On her Instagram account ay nag-post si Sandara ng short video saying “Mahal ko kayo kapamilya!!! Noon at ngayon.”
Ang daming natuwang fans ni Krung Krung. Ang tagal din kasing nawala ni Sandara at nasabik sa kanyan g pagbabalik ang loyal fans niya.
“You’re one of the judges pala sa Pinoy Boyband Superstar. Hmmm. Cant wait.”
“We love you from Philippines”
“Excited na kami na mapanood ka sa screen ate @daraxxi . welcome back Sa PH.”
Ilan lang ‘yan sa mga comment on her Instagram account.
UNCUT – Alex Brosas