SA isang okasyong dinaluhan ng mga basketbolista ay nagkataong naroon ang isang aktor.
Sa laki ng venue, nagkalat ang mga bisita with the actor and his male companion occupying a separate room nang silang dalawa lang.
Pero nabulabog ang “private moments” ng aktor at ng kanyang kasama nang biglang bumukas ang pintong nakalimutan nilang i-lock. Nagulat na lang ang saksi nang mahuli niyang naglalaplapan ang mga ito.
Roon lang na-realize ng witness na totoo pala ang tsismis na beki ang aktor na itago na lang natin sa alyas na Cholo Dimalanta.
( Ronnie Carrasco III )