Friday , December 27 2024

Ang ipinagmamalaking kultura ng Alaska

ANG Alaska ay ika-49 estado ng Estados Unidos (USA) na ‘nabili’ sa Russia na noon ay USSR taon 1959.

Mayaman ang kultura ng Alaska na may kinapapaloobang halos 11 tribu o natibo. Ang siyudad ng Anchorage at Fairbanks ang ilan sa mga pangunahing destinasyon at sentro ng kultura sa Alaska.

Una kong nabisita ang Alaska Native Heritage Center sa Anchorage. Dito mamumulat ang sinumang dayuhang ibig matutuhan ang kultura ng Alaska sapagkat kompleto ang sentrong ito ng mga kaalaman, puno at dulo, yaman at pambihirang kultura ng mga Atabascan o ang sinaunang natibo ng Alaska.

Si Evelyn Slusser, na nauna kong nabanggit na siyang giya namin sa cultural places at historical landmarks ng Alaska, ay isang tipikal na Visayano at tapos sa mataas na paaralan sa Maynila.

Napili niyang mamuhay sa Fairbanks kapiling ang mga anak sa asawang abogado na may dugong Aleman. Nang bisitahin namin sila sa isang ilang na lugar sa outskirts ng Fairbanks, tumambad sa aming paningin ang isang binubuong log cabin na siyang pinagkakaabalahan ni Atty Slusser.

Sa tagal na nila sa Fairbanks, ang game hunting o wild gaming sabi nga nila, ang kanilang pinagkakalibangan. Ang kanyang mga guide ay mga natibo na siyang nakatutukoy ng pasikot-sikot ng gaming areas sa buong Alaska.

Ang mga karaniwang nahuhuli o napapatay na hayop ay moose, ram, deer, caribou at ang kinatatakutang grizzly bear.  Ang mga nauunang mangangaso sa Alaska ay mga natibo at pinagkakakitaan nila bukod sa pangingisda at pag-aalimango ang balat o fur ng mga nabanggit na hayop.

Sa downtown Anchorage at Fairbanks ay naglipana ang mga fleece o fur coat na inilalako sa mga turista hanggang sa ngayon.

Aminado si Atty. Slusser na marami-rami na rin siyang naitutumbang usa o moose o ram o caribou at sa katunayan saksi ang ipinakita niya sa aking mga high caliber hunting rifles.  Sa Alaska, ‘ika niya ay puwede kang bumili ng kahit gaano karaming armas at ito ay pinahihintulutan ng estado dahil nga sa ‘di maiwasang “bear attacks” na maraming buhay na ang naitalang nalagas mula’t sapol.

Hindi kasi mapigilan ang nagkalat na mababangis na oso na basta na lang umaatake lalo pa’t gutom.

About Jesus Felix Vargas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *