Saturday , November 16 2024

Kaso vs 6 ‘tanim-bala’ suspects sa NAIA ibinasura ng DoJ

IBINASURA ng Department of Justice (DoJ) ang reklamo ng American national na si Lane Michael White laban sa anim airport authorities na isinangkot sa ‘tanim-bala’ issue sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa DoJ, walang nakitang probable cause para idiin sa kasong planting of evidence at robbery/extortion sina SPO2 Rolando Clarin, SPO4 Ramon Bernardino, Chief Insp. Adriano Junio at SPO2 Romy Navarro.

Gayondin sina Maria Elena Cena at Marvin Garcia ng Office of Transportation Security (OTS).

Sinasabing nabigo ang kampo ni White na makapaglahad nang sapat na ebidensya upang tuluyang kasuhan sa korte ang mga respondent.

Sa kabilang dako, balak iapela ng banyaga ang reklamo upang mahinto na aniya ang tanim bala sa NAIA terminals.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *