Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay sa ratrat sa lamayan

PATAY ang dalawang lalaki makaraan pagbabarilin habang nakikipaglamay sa patay sa Brgy. Payatas, Quezon City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa mga saksi, nagbabaraha at nag-iinoman ang mga biktima habang nakikipaglamay sa loob ng covered court sa Visayas Street nang lapitan sila ng suspek.

Pagkaraan ay pinagbabaril ang mga biktimang sina Ricky Elcarte at Xavier Pinlac.

Nakatakbo pa si Elcarte patungo sa eskinita palabas ng covered court ngunit sinundan siya ng suspek at muling pinaputukan, dahilan nang agaran niyang pagkamatay.

Naisugod pa sa ospital si Pinlac ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Naniniwala ang mga nakakita, nadamay lang si Pinlac sa pangyayari at si Elcarte talaga ang tunay na target.

Pasimple lang anilang naglakad pabalik sa naghihintay na motorsiklo ang suspek, umangkas at umalis.

Tumangging magbigay ng pahayag ang ilang nakakita sa insidente dahil sa takot na balikan ng salarin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …