Friday , November 15 2024

Zero tolerance vs korupsiyon, kriminalidad

BINIGYANG-DIIN ni incoming President Rodrigo Duterte, magpapatupad siya ng ‘zero-tolerance’ laban sa korupsiyon at kriminalidad sa bansa.

Sinabi ni Duterte, ito ang magiging ‘standard’ ng kanyang pamumuno at nakatakdang suwayin ang Commission on Human Rights (CHR) dahil marami ang mamamatay na kriminal.

Ayon kay Duterte, hindi raw niya papayagang sisirain ng mga tiwali at kriminal ang bansa lalo ang mga kabataan.

Kaugnay nito, nagbabala si Duterte na iiral ang ‘narco-politics’ sa buong bansa makalipas ang pitong taon kung mabibigo ang PNP sa kampanya laban sa illegal drugs.

Sa ngayon pa lamang aniya, nasa 32 alkalde na ang nanalo sa eleksiyon na pinondohan ng drug lords at nakaupo na ngayon sa puwesto.

Kaya hindi raw niya ito uupuan lamang at tiniyak ang gagawing aksiyon laban sa hindi tinukoy na mga mayor.

Samantala, nakatakdang magpatupad si Duterte nang malawakang revamp sa PNP para tiyaking makatotohanan ang kampanya laban sa illegal drugs.

Inihayag ni Duterte, bagama’t marami ang napapatay na drug pusher sa ngayon makaraan ang kanyang pag-iingay, posibleng mga bata rin ng mga pulis ang kanilang pinagpapatay para hindi sila maikanta.

Mangangailangan din daw si Duterte ng isang company o nasa 50 pulis na bibigyan ng special assignment para tugisin ang mga sangkot sa illegal drugs.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *