Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Service crew tiklo sa 7 kilo ng damo

NAKOMPISKA sa isang 23-anyos lalaki ang pitong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Manila Action Special Assignment (MASA) sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Bernabe Irinco Jr., ang suspek na si Jonathan Hulleza, walang asawa, service crew, residente ng 214 Brgy. Bahay Toro, Project 8, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 7:30 p.m. nang makompiska mula sa suspek ang pitong kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P 500,000, sa Pasig Line, Zamora St., Sta. Ana, Maynila.

Napag-alaman, nagpapatrolya ang mga tauhan ni Irinco nang may magbigay ng impormasyon na may bitbit na marijuana ang nasabing suspek.

Bunsod nito, sinita ng mga pulis ang suspek at nakompiska ang pitong kilo ng marijuana sa loob ng sako.

Ang suspek ay sasampahan ng paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drugs Act) sa Manila City Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …