Friday , November 15 2024

Pagpapatumba kay Duterte itinanggi ng drug lords

MARIING itinanggi ng grupo ng high-profile inmates ang mga balitang may plano silang ipapatay si incoming president Rodrigo Duterte at incoming PNP chief, Ronald “Bato” Dela Rosa.

Naniniwala ang inmates na isang uri ng “public conditioning” para mapatahimik ang inmates at hindi na lumutang ang korupsiyon at katiwalian sa loob ng NBP sa nagdaang administrasyon.

“We are not involved in this plot, if it [is] really true. We are afraid that this might be a way of ‘public conditioning’ so that we will be eventually silenced and the corruption that happened here inside NBP in the previous administration [will] be concealed,” paliwanag ng mga inmate na sina Jaime Patcho, German Agojo, Mario Tan, Jerry Pepino, Engelberto Durano, Rodel Castellano, Tomas Donina, Noel Martinez, Eustaquio Cenita, Herbert Colangco, Jojo Baligad, Clarence Dongail, Rico Caja, Joel Capones, Gilberto Salguero at Edgar Sayo Cinco, sa sulat na ipinadala kay Justice Secretary Emmanuel Caparas sa pamamagitan ni Atty. Ferdinand Topacio.

Una rito, sinabi ni De la Rosa, milyon-milyon ang inilaan na reward money ng drug lords na nakadetine sa NBP para sa makapapatay kay Duterte at sa kanya.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *