Friday , November 15 2024

Marcos ilibing sa Ilocos Norte — Joma

DAVAO CITY – Hinimok ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang pamilya Marcos na tuparin ang naunang pangako na ilibing na lamang ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Sison, hindi dapat igiit ng Marcoses ang paglilibing sa labi ng diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Aniya, dapat igalang ng pamilya ang unang kasunduan kay dating Pangulong Fidel V. Ramos, na pumayag na maibalik sa bansa ang labi ni Marcos mula sa Hawaii, sa kondisyong ililibing ito sa kanilang home province.

“Ang mga Marcos dapat tuparin nila ang pangako nila na ang labi ni Marcos ay ililibing nila sa Ilocos Norte. Sa palagay ko nakalibing na iyon, wax na lang ang nakalitaw,” pahayag ni Sison sa video call session sa Davao City.

Gayonman, sinabi ni Sison, hindi siya ganap na tumututol na malibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani, dahil hindi niya ikinokonsiderang ang sementeryo ay para sa mga bayani.

“At their own risk, puwede na nilang ilagay sa libingan ng maraming traydor. Hindi naman mga bayani ang lahat ng nandoon e,” aniya.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *