Friday , November 15 2024

Duterte, hindi totoong galit sa media — PDP-Laban official

Nilinaw ni PDP Laban Policy Studies Group head Jose Antonio Goitia na hindi totoong galit sa lahat ng miyembro ng media si incoming President Rodrigo Duterte kundi sa maling pagkiling ng foreign press na hindi inilalabas ang mga positibong pananaw ng bagong lider ng ating bansa.

Ayon kay Goitia, pangulo rin ng PDP Laban San Juan City Council at chairman ng Membership Committee PDP Laban sa National Capitol Region, noong nakaraang campaign period ay inihayag ni Duterte ang kahalagahan ng pagbibigay proteksiyon sa mga miyembro ng Fourth Estate ngunit walang naglabas nito kundi isang broadsheet sa ating bansa at ni hindi ito natalakay ng foreign press.

“Sa matagal na panahong naging alkalde si Duterte ng Davao City, wala siyang idinemanda ng libelo kahit isang mamamahayag kahit lagi siyang tinutuligsa ng ilang mediamen,”diin ni Goitia.

Ibinigay rin halimbawa ni Goitia ang pagdedeklara ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng emergency power noong 2005 na bawal ang mga protesta.

“Hindi ba’t tanging si Duterte bilang alkalde ng Davao ang nagbigay ng permiso sa mga mamamahayag na nagprotesta laban sa Proclamation 1017 ni GMA?” ani Goitia na miyembro rin ng Executive Committee ng PDP-Laban.

“Ang mga pahayag ni Duterte sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga mamamahayag at ang kanyang mga aksiyon noong alkalde pa lamang siya ay kabaligtaran kung paano siya inilalarawan ngayon ng lokal at dayuhang media,” dagdag ni Goitia. “Sa pagtatalaga sa broadcaster na si Martin Andanar bilang Communications secretary, marahil gaganda rin ang relasyon ni Duterte sa media dahil kailangan din ng bagong gobyerno ang watchdog function ng mga mamamahayag.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *