KAPAG tumanda na nga ba ang ilan sa pangangalakal ng katawan ay posibleng pasukin na rin nila ang pambubugaw?
Ito ang kinasadlakan ngayon ng isang mahusay na aktor, that because of his age ay hindi na mabenta sa mga mayayamang parokyano composed mostly of gay businessmen.
Ang siste, mayroon siyang “agency” na maaaring makapamili ang kanyang clientele kung sino ang gustong makaniig. Isang tawag lang, presto, maide-deliver na agad ang human commodity!
Pero hindi lahat ng transaksiyon ng aktor ay matagumpay, may pagkakataon umanong last minute ay nagba-back out ang kanyang ibinubugaw.
Pero para hindi na lang mapahiya sa kliyente ay siya na lang mismo ang humaharap doon, at siyempre pa’y nagpapagamit.
Da who ang actor bugaloo? Itago na lang natin siya sa alyas na Aaron Kaalyado.
( Ronnie Carrasco III )